Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Abig Pangasinan, matagumpay na isinagawa sa Asingan

Sep
8,
2020
Comments Off on Abig Pangasinan, matagumpay na isinagawa sa Asingan


Abig Pangasinan, matagumpay na isinagawa sa Asingan; Isang buwang pagdaraos ng Undas, suhestiyon ni Gov. Espino III
Matagumpay na isinagawa kahapon Setyembre a-nuebe ang ikalabindalawang edisyon ng Abig Pangasinan dito sa bayan ng Asingan handog ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ating Governor Amado ‘Pogi’ I. Espino III.
Kabilang sa mga serbisyong hinatid ng Pamahalaang Panlalawigan sa ating mga kababayan ay ang Kabuhayan Palengke Karaban, Karagdagang Pangkabuhayan (Cash for Work), at Kalinisan Karaban.
Nasa labing limang isang asosasyon ang nabiyayaan ng iba’t ibang tulong ng nasabing programa. Anim sa mga ito ay nabigyan ng 1,500 fruit-bearing trees seedlings, 10 trays ng vegetable seedlings habang apat ang tumanggap ng rechargeable knapsack sprayers at namahagi din ng nasa 12,000 tilapia fingerlings.
Nagpasalamat naman ang butihing Mayor Carlos Lopez Jr kasama si Vice Mayor Heidee Chua at ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan sa pagbibigay ng tulong at serbisyo sa mga kailyan. Dumalo din sa naturang programa sina Board Member Noel C. Bince at Board Member Salvador Dong Perez Jr.
Samantala, sa nasabing okasyon ay ipinahayag ni Gobernador Espino ang panibagong problemang kakaharapin ng mga lokal na pamahalan sa paparating na piyesta ng mga patay.
“Iti problema manen tatta i-announce kon ti undas, dumawat ak tulong ti Sangguniang Panlalawigan ken mayors tayo ken barangay problema tayo manen ata. Iti proposal ko apo Mayor i-announce kon maysa bulan ti Undas tayo irugi tayo October 1, apay haan ka mabalen nga iskedyul ta laengen enya nu sinno ti mabalen nga mapan pay ti sementeryo” mensahe ng gobernador.
Inirerekomenda naman ng National Task Force against COVID-19 na pagbawalan muna ang publiko na pumunta sa mga sementeryo ngayong Undas holidays dahil sa COVID-19 pandemic, ngunit hanggang sa ngayon ay wala pang pinal desisyon sa naturang usapin.
Writer Akosi MarsRavelos Photo/Drone JC Aying

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top