Abig Asingan, Abig Pangasinan
Dadalhin ng Provincial Government ang Abig Pangasinan sa bayan ng Asingan bukas para maghatid ng iba’t ibang serbisyo.
Kabilang sa maaaring ma-avail na services ng mga kababayan ay ang Kalinisan Karaban. Layon nito na makatulong sa paglinis ng kapaligiran sa pamamagitan ng pagbili ng provincial government ng mga plastik.
Ang isang kilo ng plastik ay maaaring ipalit sa 20 pesos na halaga ng grocery items, schools supplies o cellphone load.
Nariyan din ang Agri-production support sa pamamagitan ng Provincial Agriculture Office ay binibigyan ang mga recipient ng agricultural inputs gaya ng fruit bearing trees, vegetable seedlings at farm equipments.
Maliban dito, nagbibigay ang Provincial Government ng marketing support sa mga nagbebenta ng gulay.
Prayoridad ang mga locally produce agri-products mula sa Municipalidad ng Asingan. Maaaring ibenta ng mga farmer ang kanilang produkto bukas sa mga bisita at ang matitira ay bibilhin na ng Provincial Government at gagamiting suplay ng pagkain ng mga pasyente sa labing apat na provincial government run hospitals.
Para naman sa programang Karagdagang Trabaho, naghahanap ang gobyerno ng mga indibidwal na tutulong sa pag-consolidate ng iba’t ibang agriculture products na dadalhin ng vendors, vegetable growers at iba pang magsasaka. Sila ay babayaran ng 400 pesos per day.
Maglalagay din ang Provincial Employment Sevices Office -Pangasinan ng desk nito bukas para sa mga naghahanap ng libreng training para sa soft and hard skills.
Habang ang Provincial Population Cooperative and Livelihood Development Office ay nag-aalok ng loan sa mga rehistradong Small Medium Enterprise Entrepreneurs at Organized groups.
Darating din bukas ang Office of the Provincial Veterinarian para sa rabies vaccination.
Ang Abig Pangasinan ay isang umbrella program para pagsama-samahin ang major services ng Provincial Government, na naisip ni Governor Amado ‘Pogi’ I. Espino III.
Hangad ng programang ito na ilapit sa mga munisipalidad at lungsod, maging sa barangay ang mga serbisyo ng gobyerno.
Ang Asingan ang ika-labing dalawang bayan na bibisitahin ng Abig Pangasinan.
Writer Akosi MarsRavelos Photo JC Aying