?????????? ??????? ?????? ?????? ???? ?? ???? ??????? ?? ??? ??????? ???? ?? ????? ?? ??????? ????????? ?? ??? ????????
Nito lamang Miyerkules, ay nag-ikot sa dalawampu’t isang (21) barangay ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan upang ipamahagi ang tulong na natanggap ng lokal na pamahalaan ng Asingan sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na nagkakahalaga ng kalahating milyong piso.
“Ito yung share natin mula sa PCSO sa STL, sa Lotto, saka sa Sweepstakes, so kung ano yung percentage na tinatayaan ng mga kababayan natin may binibigay po ang PCSO monthly. Noong naipon na po ibinili natin ng gamot para sa mga barangay health centers natin.” pahayag ni Mayor Carlos Lopez Jr.
Ayon sa PCSO ang mga lalawigan, lunsod at bayan na kinatatayuan ng mga lotto outlets ng PCSO ay kuwalipikadong makibahagi sa kinikita nito na tinatawag na LGU share.
Kaalinsabay naman ng pagtaas ng kita ng ahensya ay ang paglaki rin ng pakinabang dito ng publiko sa pamamagitan ng mga tulong medikal, distribusyon ng mga ambulansya at iba pang programa ng pamahalaan.
“Napakaganda ng kanilang programa na kung saan nagkakaroon tayo ng share sa bawat tumataya sa ating bayan. So sana tuloy tuloy para kung makaipon uli tayo, kung ano yung mapag uusapan yun uli ang pagtutuunan ng pansin sa susunod na makaipon uli tayo.” dagdag ng alkalde.
Pinangunahan nina Councilor Ira Chua, Councilor Marivic Robeniol, Councilor Mel Lopez at Councilor Melchor Cardinez ang pamimigay ng tulong sa mga barangay.