Hindi na naisalba ng limangpu’t apat na gulang na magsasaka na si Jolly Tejada ang isa sa dalawa niyang alagang baka matapos malunod dahil na rin sa mabilis na pagtaas ng tubig sa Agno River bunsod na rin ng pagbuhos ng malakas na ulan dala ni bagyong Maring .
“Ang alam ko hindi tataas ang tubig eh, pagpunta ko ng madaling araw malalim na ang tubig nakita ko patay na siya.” kwento ni Tejada.
Sa paunang datos na isinumite ng Department of Agriculture Asingan sa Office of the Provincial Agriculturist ay umabot na sa apat na milyon at dalawandaang libo ang halaga ng pinsala mula sa produksyon ng palay,mais, gulay at livestock.
Ayon kay Municipal Agriculturist Ernesto Pascual, nasa dalawandaan at sampung tonelada ang hindi na mapapakinabangan at siento porsyento ng mga ito ay nasa flowering stage.
“Mabibigyan sila ng pamalit, kung sa rice meron tayong binhi at saka kung sila ay naka insured sa Philippine Crop Insurance Corporation pwede silang magfile ng notice of loss para mabigyan sila ng kaukulang insurance sa kanilang pananim.” ani ni Pascual
Sa ngayon ay nasa dalawang libo dalawang daan (2,200) pa lang mula sa apatnalibo siyam na raang (4,900) na mga magsasaka ang nakakumpleto sa requirement ng Registry System for Basic Sectors in Agriculture.
“Sa ngayon marami pang hindi pa nakaregisted sa RSBSA, dapat magparehistro para makamit nila yung mga programa ng Agriculture na libre.