Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


FeaturedNews and Events

ABIG PANGASINAN MULING BINISITA ANG BAYAN NG ASINGAN

Aug
19,
2021
Comments Off on ABIG PANGASINAN MULING BINISITA ANG BAYAN NG ASINGAN
ABIG PANGASINAN MULING BINISITA ANG BAYAN NG ASINGAN
Sa layong matulungan ang mga kababayang Pangasinense, dinadala ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Governor Amado I. ‘Pogi’ Espino III ang iba’t ibang serbisyo sa pamamagitan ng Abig Pangasinan Caravan.
Kabilang sa mga serbisyo ay ang Kabuhayan Palengke Karaban, Karagdagang Pangkabuhayan (Cash-for-Work), Kalinisan Karaban, Food production support program, at Abig Laman ed Barangay.
Lubos naman ang pasasalamat naman si Asingan Mayor Carlos Lopez Jr. sa suporta at tulong ni Governor Pogi Espino III sa kanyang nasasakupan.
“Nagpapasalamat po kami dahil dumating po dito ang serbisyo ng ating Provincial Government at nadarama po ng bawat residente ng Asingan ang kalinga ng ating mahal na Governor.” mensahe ng alkalde.
Kabilang sa mga proyektong na inilaan ni Governor Espino III sa bayan ng Asingan ay Asingan-Calepaan-Urdaneta road concreting, covered court ng barangay Toboy, Line Canal ng barangay Carosucan Norte at barangay Cabalitian at Phase 1 ng Cabalitian barangay hall.
“Continuous naman tayo sa ating mga proyekto, halimbawa itong balak natin na paluwagin ang Asingan Community Hospital. Kaya maganda pag kausap mo mga local officials, yung sa mga barangays nakikita mo pa kung ano ang kulang. Saka may mga existing programs na gustong i-adapt ni Mayor sa Asingan, so coordination pa rin tuloy tuloy pa rin naman sa pagtulong natin sa mga barangay at sa mga bayan” ani ni Governor Espino III.
Dumalo sa naturang programa sina 6th District Board Member Noel Bince, Board Member Salvador Perez Jr, Board Member Nestor Reyes, Mayor Carlos Lopez Jr. , Vice Mayor Heidee Chua at miyembro ng Sangguniang Bayan Punong Barangays, officials ng Barangay San Vicente West, Sangguniang Kabataan ng Asingan, ilang department heads ng lokal na pamahalaan ng Asingan at Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan.
Romel Aguilar / Photo JC Aying Rome Butuyan Bagood

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top