Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

MODERNIZED JEEPNEY, AARANGKADA NA SA BAYAN NG ASINGAN SIMULA NGAYONG NOBYEMBRE

Aug
3,
2021
Comments Off on MODERNIZED JEEPNEY, AARANGKADA NA SA BAYAN NG ASINGAN SIMULA NGAYONG NOBYEMBRE


MODERNIZED JEEPNEY, AARANGKADA NA SA BAYAN NG ASINGAN SIMULA NGAYONG NOBYEMBRE; MAY BIYAHENG STA. MARIA-ASINGAN-URDANETA-DAGUPAN
‘Bawal na ang sabit at mas bawas pa ang ibinubugang polusyon, ito ang pinagmamalaki ng Department of Transportation o DOTr oras na umarangkada na ang mga modernong jeep sa bayan ng Asingan sa darating na buwan ng Nobyembre.
Kamakailan ay sinimulan nang inspeksyunin ng mga tsuper ng Asingan Jeepney Operators & Drivers Association o AJODA ang dumating na Demo Unit ng gagamitin na modernized jeep.
“Doon po sa consolidate po sa LTFRB seventy (70) na unit, sa ngayon ang naaprubahan sa Landbank na unit pa lang ay forty five (45) bale twenty five (25) pa lang ang iuuna hindi po biglaan na forty five (45) ang ibibigay. After three months kung kukulangin ng sasakyan makukuha kaagad yung twenty units.” ani ni Catalino Saculles, Presidente ng AJODA.
Ayon kay Saculles ang unang dalawampu’t limang (25) bagong modernong jeep na may rutang Sta. Maria -Asingan-Urdaneta-Dagupan, ay bibiyahe maghapon at may pagitan na tig – labing limang (15) minuto.
Para sa ilang mga residente ng Asingan okay na mag dagdag ng pamasahe sakaling magbaba na ng bagong fare matrix ang pamunuan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Region 1 para sa biyahe ng mga modernized jeep basta ito ay ligtas at komportable.
Isa na dito ang fresh graduate na si Waren Paringit na limang beses bumibiyahe sa Urdaneta upang maghanap ng trabaho.
“Tingin ko po ok lang, kasi mahal din po ang gasolina saka ngayong pandemic mahirap din po kumuha ng pasahero. Malaking tulong po ito kasi maganda yung masasakyan ng mga tao, mas kumportable yung mga pasahero tingin ko mas maganda yung modernized jeep kesa sa dati.” ani ni Paringit.
Epektibo simula noong July 19, ang mga pasahero ng AJODA sa pakiusap na rin ni Mayor Carlos Lopez Jr. ay ibinababa malalapit sa mga mall gaya ng CB Mall, Magic Mall, SM Urdaneta at 168 Mall.
“Isang sistema na gustong ibigay na tulong in coordination with AJODA kasi sila din for humanitarian reason naawa din sila sa mga commuters na magbabayad ulit sa trisikel kaya ang ginawa nila through my office gumawa kami ng plan na ihatid na lang sa kanilang pupuntahan tulad ng Magic Mall, 168, saka ng Balingit doon na ang drop off point ng mga kababayan natin hindi na mismo doon sa paradahan” paliwanag ng alkalde.
Romel Aguilar / photo JC Aying Rome Butuyan Bagood

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top