LIWANAG SA DILIM: MGA LANSANGAN SA SITIO DEPARTE AT SITIO SINAPOG NAPAILAWAN NG SOLAR LIGHTS
Pagsasaka ang karamihang kinabubuhay ng mga taga Sitio Departe sa Baranggay Bantog at kabilang sa kanilang suliranin ang kawalan ng ilaw sa dinadaanan lalo na kapag inabot ng gabi, isa sa namomoblema ang pitumpung taong gulang na si lolo Noelito Ancheta.
“Nasekngit ditoy awan pay silaw idi, ti pagsilsilaw mi idi lamparaan ken salling, tatta ada met ti silawen nalawag ti dalan min nakagin awa kamin” ani ni lolo Noelito.
Kwento naman ni Maria Liza Gemeroy na tubong Bacolod at nakapag asawa sa Sitio Departe, sa Barangay Poblacion, pahirapan ang pagbiyahe papasok at papalabas ng kanilang lugar.
“Narigat sir, nagado pay ti madisdisgrasya dita nga trisikel o kaya single nga motor ket nasinget isu nga kanya mi nagdakkel nga pribilihiyo nga naikkan kami ti silaw ti kalsada ken iskinita.” saad ni Gemeroy.
Ngayong buwan, nabiyayaan ang Sitio Departe at Sitio Sinapog ng Solar Light Project mula sa lokal na pamahalaan ng Asingan.
Nakita ni Mayor Carlos Lopez Jr. ang kalagayang ito ng mga residente , sa ginagawang pagiikot sa mga barangay kayat gumawa ng hakbang.
“Una sa lahat madilim kawawa yung mga kababayan natin, nasa secluded area na nga sila tapos walang ilaw, ang dilim dilim na ng kanilang lugar. Katulad ng mga estudyante nila mga college students, high school students, kung umuuwi ang dilim dilim ng nilalakaran. Pati ang mga magsakaka late na sila natatapos kaya ang ginagawa yung ilaw na lang ng kuliglig o kaya trisikel ang pinang iillaw sa daan. Kaya noong pinuntahan ko nakita ko yung kanilang sakripisyo kaya nagkaroon tayo ng idea na i-solar na lang atleast kunti pa ang expense ng barangay wala na silang babayaran sa electricit,y maginhawa pa ang mga taong bayan.” ani ng Alkalde .
Lubos naman ang pasasalamat ng mga residente sa malaking tulong at asiste na pinaabot ng alkalde sa kanilang lugar.
“Agyaman kami sir kenni Mayor Lopez ta naikkan ti silaw ditoy ayan mi dakkel atoy nga tulong ta amin nga dalan min manipud idtoy departe hanggana na diay barrio na ikan sir, nalawag ti silaw ti dalan. Ke uray idta ni taltalon sir idiay papanan ada ti silaw min” pasasalamat ni lolo Noelito
Romel Aguilar / Photo JC Aying