Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

DRUG CLEARED NA MGA BARANGAY SA PROBINSYA NASA 80 PERCENT NA AYON SA PDEA PANGASINAN

Jun
21,
2021
Comments Off on DRUG CLEARED NA MGA BARANGAY SA PROBINSYA NASA 80 PERCENT NA AYON SA PDEA PANGASINAN


DRUG CLEARED NA MGA BARANGAY SA PROBINSYA NASA 80 PERCENT NA AYON SA PDEA PANGASINAN; BAYAN NG ASINGAN POSSIBLENG MA-IDEKLARANG DRUG CLEARED RIN NGAYONG TAON
Ayon sa datos na inilabas ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Pangasinan sa ginanap na symposium partikular sa roll out ng validation ng drug cleared barangay sa bayan ng Asingan kamakailan, nasa isanlibo at apatnapu’t apat (1,044) na barangay na mula sa isanglibo at dalawandaan pitumpu’t dalawa (1,272) na mga barangay ang naideklara ng drug cleared sa probinsya.
“So malapit lapit na po tayo sa katotohanan that is 80 percent ,meron pa tayong remaining na 228 barangays na i-clecleared so yun po ang pinagtutulong tulungan po natin at kasama po doon yung isang barangay na lang Asingan.” ani ni Mary Jean Botes, Chief ng PDEA Pangasinan Barangay Drug Clearing Office
Samantala, inaantay na lamang ng lokal na pamahalaan ng Asingan na mapasama ito sa mga idineklarang drug cleared municipality matapos mahuli noong nakaraang buwan ang high-value target na nasa drug list ni Pangulong Rodrigo Duterte.
“I commend the PNP Asingan headed by our COP Major Resty Ventinilla and the rest of the team for their effort ang tagal na nating hinihintay ito na mahuli yung nakatatak sa Asingan na PRRD List. Kunak kanya na noong siya ay pumasok bilang bagong hepe ng Asingan, ang hamon ko sa kanya kaagad is to make an effort para mawala yung PRRD List. So salamat at naaksyonan kaagad ng PNP Asingan, salamat sa inyong lahat including the barangay officials” mensahe ni Asingan Mayor Carlos Lopez Jr.
Sa ngayon ay nasa dalawampu’t pitong (27) munisipalidad mula sa apatnapu’t tatlo na bayan sa Pangasinan ang cleared na mula sa pinagbabawal na gamot.
Matapos ang isinagawang symposium kasama ang mga kinatawan mula sa DILG Asingan, Pederasyon ng Sangguniang Kabataan at mga Barangay Official ay isinagawa ng PDEA Pangasinan at ni Mayor Carlos Lopez Jr. ang pag-inspeksyon sa gagawing ‘Balay Silangan’ sa bayan.
“Balay Silangan is a facility to cater those drug personalities who are pushers, those who avail plea bargaining agreements or yung lahat ng nakalaya with regards po sa violation of RA 9165. So ang intervention na maibibigay po natin sa kanila is to enroll them to Balay Silangan yun po yung isa sa mga requirements po natin, para mare-integrate po sila mabigyan po ng kaukulang intervention para atleast paglabas nila sa ating community magiging law abiding citizen sila” dagdag ni Botes.
Romel Aguilar / Photo JC Aying

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top