Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

HIGIT 10,000 ASINGANIAN SENIOR CITIZEN, PLANONG MABAKUNAHAN

Jun
15,
2021
Comments Off on HIGIT 10,000 ASINGANIAN SENIOR CITIZEN, PLANONG MABAKUNAHAN

HIGIT 10,000 ASINGANIAN SENIOR CITIZEN, PLANONG MABAKUNAHAN KONTRA COVID-19 AYON SA RHU ASINGAN
Sa huling datos ng Rural Health Unit of Asingan ay nasa kabuuang 656 o nasa halos 7% pa lamang ng senior citizen na ang nabigyan ng unang dose ng bakuna laban sa Covid 19.
“Sa mga kababayan kong mga senior citizen… alam ninyo na kayo yung priority at kayo ang vulnerable sa sakit na covid pero ang problema kasi ngayon yung supply kaya pasensya na lang muna.” pahayag ni Dr. Ronnie Tomas, ang Municipal Health Officer ng Asingan.
Target naman ng departamento na maturukan ang nasa higit 10,000 senior citizen ng bayan.
“Kung ano yung available na bakuna kasi kayo naman yung priority talaga… huwag mamimili sana ng bakuna kung ano yung available, yun na. Hindi yung gusto ko ng ganito, gusto ko ng ganyan… kasi ang importante mabakunahan tayong lahat. atleast ma-maintain natin yung 70 percent na herd immunity para mabawasan ang kaso at babalik na tayo sa normal as soon as possible.” dagdag ni Dr. Tomas.
Samantala pinapayagan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) na lumabas ng bahay ang mga senior citizen na na nakatanggap na ng dalawang dose ng COVID-19 vaccine na nasa mga lugar na nakapailalim sa general community quarantine (GCQ) at modified GCQ.
Romel Aguilar / photo JC Aying

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top