Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Mga paalala patungkol sa pag uwi o pagpasok sa Asingan

Jun
8,
2021
Comments Off on Mga paalala patungkol sa pag uwi o pagpasok sa Asingan


Mga paalala patungkol sa pag uwi o pagpasok sa Asingan mula sa ibang probinsya ayon sa inilabas na Executive Order number 27 series of 2021:
Ang mga indibidwal na manggagaling mula sa mga lugar na nasa ilalim ng MECQ (June 1 – 15, 2021) gaya ng Santiago City; Cagayan, Apayao, Benguet, Ifugao, Puerto Princesa City, Iloilo City, Zamboanga City , Zamboanga del Sur, Zamboanga del Norte, Cagayan de Oro City, Butuan City at Agusan del Sur ay kinakailangan magsumite ng resulta RT-PCR na NEGATIBO mula sa COVID-19 pitong araw bago pumasok sa bayan ng Asingan.
Kakailanganin din na dumaan ang mga ito sa Triage Area (8:00AM hanggang 5:00PM Lunes hanggang Biyernes) sa Rural Health Unit o sa kani-kanilang mga barangay (kapag naabutan ng after-office hours, weekend, o mga holiday).
Maging ang mga indibidwal na manggagaling mula sa mga lugar na nasa ilalim ng GCQ (June 1 – 30,2021) gaya ng NCR plus, Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal, Baguio City, Kalingan, Mountain Province, Abra, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Batangas, Quezon Province, Iligan City, Davao City, Lanao del Sur at Cotabato City ay kinakailangan din ng magsumite ng ng resulta RT-PCR na NEGATIBO mula sa COVID-19 pitong araw bago pumasok sa bayan ng Asingan. Kailangan na magtungo muna sa Triage Area/RHU o barangay para sa health evaluation.
Papayagan na makauwi ang mga taong walang sintomas ng COVID-19 (asymptomatic), habang mandatory na isasailalim sa testing at quarantine ang mga makikitaan ng sintomas;
Hindi na kailangang magpakita ng Travel Authority, Medical Clearance Certificate, o Letter of Acceptance ang mga biyahero na hindi dadaan lamang sa Asingan papunta sa kanilang destinasyon na ibang bayan.
Kailangan na gamitin ang S-PASS (Safe, Swift, and Smart Passage) para makakuha ng travel coordination permit (TCP). Kailangan rin magpakita ng negatibo na resulta ng PT-PCR.
Narito ang mga dapat na i-handa na mga dokumento sa paggamit ng S-PASS
GOVERNMENT APORs:
1. Agency identification card
2. Travel order or travel itinerary (mandatory) signed by the head of the agency
NON-GOVERNMENT APORs
1. Company identification card
2. Travel Order or Travel itinerary signed by the Head of Company
DELIVERY/CARGO
1. A valid or government-issued ID
2. Delivery Receipts or Bill of Loading
EMERGENCY TRAVEL
1. Valid or Government Issued Identification Card
2. Physician’s Referral or Order
3. Hospital Coordination
INDISPENSABLE AND HUMANITARIAN CASE TRAVEL
1. Valid or Government Issued Identification Card
2. For Government Examination-Examination/Admission Slip
3. For Academic or Scholastic-enrollment o assessment form
4. For Wake or Funeral Services-Death Certificate of an immediate family member
5. For Wedding- Wedding Invitation or proof of wedding appointment/schedule.
REPATRIATED OFWs or Returning OFWs
1. Valid or Government Issued Identification Card
2. DOH/BOQ quarantine Certificate
Contact Person / Number
JESUS G. CARDINEZ – 09289306440
Romel Aguilar / photo JC Aying

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top