KONSTRUKSYON NG BAGONG TULAY NG BAYAOAS, SINIMULAN NA
Sinimulan na ngayong araw ang konstruksyon ng 9 na metrong luwang na bagong tulay ng Bayaoas sa siyudad ng Urdaneta.
Tiniyak ni Foreman Bert Crisostomo na makukumpleto ang bagong tulay sa loob ng dalawang buwan.
“Ngayon irerepair natin yung tulay kasi sabi nila masikip, ang propose diyan paluluwangin” ani Crisostomo.
Kasabay nito, pinapayuhan ang mga maaapektuhang motorista na dumaan sa ilang alternatibong ruta na malapit sa ginagawang tulay tulad ng Urdaneta-Asingan via Calepaan, Binalonan-Asingan Road, Villasis-Asingan Road, at Barangay Camanang-Nancayasan Road para makaiwas sa traffic.
“Kailangan talaga dito bigayan lang, kasi hindi maiwasan dito ang traffic kaya gusto namin ma-clear din yung daan dito.” dagdag ni Crisostomo.
Romel Aguilar / JC Aying