FRONTLINERS KABILANG SA NAITALANG BAGONG KASO NG COVID 19 SA BAYAN NG ASINGAN
Sa ulat ng Rural Health Unit of Asingan ngayong hapon araw ng Biyernes May 14, tatlo ang gumaling mula sa Covid-19 habang
may apat naman na naitalang panibagong kaso. Ilan sa mga ito ay frontliner.
Si Patient No. 145 ay 16-anyos na babae mula sa Barangay Palaris. Siya ay nahawa kay Covid Patient no. 133 at kasalukuyang naka-home quarantine.
Si Patient No. 146 ay 42-anyos na lalaki mula sa Barangay Carosucan Norte. Ito ay may travel history sa Villasis at kasalukuyang nagpapagaling sa isolation facility ng Villasis.
Ang pang-147 kaso naman ay ang 23 anyos na lalaki mula sa Barangay Domanpot. Siya ay nahawa kay Covid Patient no. 125 at kasalukuyang naka-home quarantine.
Mula rin sa Barangay Carosucan Norte si Patient No. 148 na Isang 31-anyos na lalaki, at kasalukuyang nagpapagaling sa isolation facility ng Villasis.
Sa kabuoan, may 27 na aktibong kaso ng Covid-19 sa bayan ng Asingan.
Romel Aguilar / JC Aying
Kung mayroon kang kwento, larawan o video na nais mong ibahagi, i-send as private message sa facebook page ng PIO Asingan.