Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

COMELEC ASINGAN BALIK SATELLITE REGISTRATION NA SA MGA BARANGAY

May
12,
2021
Comments Off on COMELEC ASINGAN BALIK SATELLITE REGISTRATION NA SA MGA BARANGAY


COMELEC ASINGAN BALIK SATELLITE REGISTRATION NA SA MGA BARANGAY
Sinamantala ng 75 taong gulang na si Lola Patricia Bueno ang maagang pag pila para sa isinasagawang Satellite Registration ng Commission on Elections (COMELEC) Asingan.
“Mabuti at madali ang magparehistro, salamat sa Comelec na tumulong sa akin dito sa barangay. Dati akong residente ng Mangaldan magpapalipat ako dito sa Asingan” ani Lola Patricia.
Kabilang si Lola Patricia sa mahigit 700 na botante na nagparehistro sa satellite registration ng Comelec.
Ayon kay Asingan Election Officer III Leny Manangan Masaoy, malaki ang ibinaba ng bilang ng mga nagpaparehistro dahil na rin sa pandemya.
“Sa ngayon start na ulit ang pagsasatellite… more than 100 days na lang ang nalalabing araw para sa ating pagpaparehistro dahil ang registration natin ay mag eend ng September 30,2021. Pinayagan na kaming mag conduct ng satellite [registration] kasi yun din ang request ng mga punong barangays during our meeting with the Liga ng mga Barangay na mahirap daw kasi ang pag transport ng mga constituent nila. mas maganda na kami na ang pupunta” dagdag ni Masaoy.
Sa huling datos ng COMELEC Asingan ay nasa 38,373 na ang bilang ng rehistradong botante sa Asingan.
Maaring magsumite ng aplikasyon tuwing Lunes hanggang Sabado pati na rin SA Holidays, 8:00 am hanggang 5:00 pm sa himpilan ng COMELEC Asingan.
“Sa mga hindi pa nagparegister, ang inaadvice ko sa mga punong barangays natin magpalista sila sa kanilang mga sector ng BHWs and then yung listahan ibibigay nila sa amin for verification kung sila ay registered na o hindi pa o di kaya’y sila ay transferee” mensahe ni Masaoay.
Narito ang schedule ng satellite registration na gaganapin sa mga barangay para sa buwan ng Mayo:
May 15 – San Vicente East
May 18 – Calepaan
May 22 – Carosucan Norte
May 25 – Baro
May 29 – Carosucan Sur
Romel Aguilar / JC Aying
Kung mayroon kang kwento, larawan o video na nais mong ibahagi, i-send as private message sa facebook page ng PIO Asingan.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top