Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


FeaturedNews and Events

740 NA KILO NG BASURA SA ASINGAN, PINALITAN NG GROCERY ITEMS

Apr
6,
2021
Comments Off on 740 NA KILO NG BASURA SA ASINGAN, PINALITAN NG GROCERY ITEMS


740 NA KILO NG BASURA SA ASINGAN, PINALITAN NG GROCERY ITEMS
Napakinabangan ng mga residente ng Asingan, Pangasinan ang mga sako sakong plastic na basura na naiipon. Ito ay sa pamamagitan ng Kalinisan Karaban para sa Kababaihan (KKPK) ng Pamahalaang Panlalawigan nitong Marso 31.

Nasa 740 na kilo ng basura ang nakolekta at naipagpalit ng grocery items na may halagang P14,790.
“Isa po sa mga layunin nito ay ma-uplift po economic status po ating mga kababayan dito po sa Pangasinan kung saan po bibilhin po ng probinsya yung mga basura po ng mga kababayan natin at per kilo po ng mga plastics nila nagkakahalaga po ng twenty pesos (P20) tapos papalitan po ng goods, may grocery items po tayo, school supplies and other items po” ani Rocell Dizon, Social Welfare Officer 1 ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO).


Ang KKPK ay bahagi ng Abig Pagasinan Recovery Program ni Governor Amado I. Espino III.
“Isa sa mga join project ng provincial government at ng LGU sa pamamagitan ng opisina ni Mam Teresa Mamalio inactivate natin yung mga samahan ng mga kababaihan, KALIPI, PWD, mga Day Care Teachers, Municipal employees para makapag ambag po ng mga plastic na maibibigay po natin sa provincial government.” pahayag ni Asingan Mayor Carlos Lopez Jr.


Ang mga nakolektang plastic waste ay dadalhin sa recycle center ng probinsya upang gawin na eco bricks.
“So itong kalinisan karavan ng mahal nating governor amado pogi espino ay napakaganda po nito na naibibigay na dulot, para makapag recycle tayo ng ating mga basura at hindi na makadagdag sa mga tinatapon na basura na kung saan halos wala na po tayong paglagyan.” dagdag ng alkalde.
Pinangunahan ng PSWDO at ng General Services Office (GSO) ang nasabing programa.
Romel Aguilar / JC Aying

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top