HALOS LIMANDAANG ISKOLAR NA PINONDOHAN NI CONG. AGABAS, NAKAPAGTAPOS NA SA TESDA
Nasa apatnaraan at apatnapu’t apat (444) na mga scholars ang nakapagtapos na sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
Ang graduation ceremony ay ginanap noong Huwebes ng umaga sa Luciano Millan National High School (LMNHS).
Sa kabuoan ay nasa dalawangpung batches ang napondohan na ng opisina ni Congressman Tyrone Agabas.
“Kadakayo ading ko agyaman kami unay ta sikayo ti sagmamano nga kabataan nga kayat na nga manayunan ti adal na ti pinagbiyag. Narigat ti pinagbiyag tatta, nagrigat ti employment, ngem nakaangat ka nu sika ket naka gradwar ka iti TESDA. Sugarod ata nga ayat, ata ti tulong ti gobyerno nga kadakayo ket naikan ti gundaway, ta sumagmamano laeng haan nga am amin naikan ti kastoy nga opurtunidad. Agasem agadal ka libre, tuition mo, ada pay allowance mo, saan ka pa?ikarkararag mi kini apo Dios nga sa pay la kuma makabirok kayo ti trabaho” ani dating Congresswoman Marlyn Primicias-Agabas ng ikaanim na distrito.
Kabilang sa mga kursong kinuha ng mga iskolar ay Construction Painting, Contact Tracing, Driving, Bread and Pastry, Electrical Installation and Maintenance, at Small Engine Repair.
“Mayroong iba’t ibang scholarship window na sinasabi natin. Meron tayo yung tinatawag na STEP o Special Training for Employment Program, meron din po tayong Training for Work Scholarship Program then mayroon din yung Universal Access to Quality Tertiary Education Act and yung grupo ng mga magsasaka na Small Engine Servicing, ito yung under naman ng Rice Extension Services Program bale ang partner natin dyan yung is Department of Agriculture” saad ni Vocational School Administrator III Jess Salagubang ng TESDA Asingan.
Nagpasalamat naman si Asingan Mayor Carlos Lopez Jr. sa suporta at tulong ng TESDA Asingan sa kanyang nasasakupan.
“With this pandemic na kinakaharap natin I am so grateful at nagpapasalamat sa TESDA family for sharing and giving your time even in this crisis sinakripisyo da apo iti bagida just to share skills to you graduates.” mensahe ng alkalde.
Kabilang sa nakapagtapos ang dalawampung taon nang magsasakang si Junio Tendero na kumuha ng kursong Small Engine Repair.
“Kasi kailangan namin na mga farmers na matuto kahit na yung kunting troubleshoot lang na malaman namin para hindi na lang kami aasa sa mga mekaniko. Pwede na namin iuuwi ang makina upang magawa dahil na rin sa aming natutunan na binigay ng tesda sa amin na dagdag kaalaman na magsasaka” pahayag ni Tendero, Presidente ng Aragaag Farmers SWISA, Inc.
Romel Aguilar / JC Aying