Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

LGU ASINGAN, NAGSAGAWA NG COVID-19 VACCINE SIMULATION

Mar
25,
2021
Comments Off on LGU ASINGAN, NAGSAGAWA NG COVID-19 VACCINE SIMULATION

LGU ASINGAN, NAGSAGAWA NG COVID-19 VACCINE SIMULATION; BAKUNA PARA SA MEDICAL FRONTLINERS AT MIYEMBRO NG BHERTS, POSIBLENG DUMATING NA SA SUSUNOD NA LINGGO
Bilang paghahanda sa inaasahang pagdating ng COVID-19 vaccine sa bayan, nagsagawa ng simulation exercise ang lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng Rural Health Unit Asingan, tanghali ng Huwebes.
“So ngayon nagcoconduct ang RHU Asingan ng simulation kami po yung tumitingin, nag-aasses kung prepared na po ang RHU para po sa actual vaccination nila ng Covid vaccine. Nagstart po kami sa Divine Mercy Hospital, sumunod sa hospital namin mismo. Nag-simulate kami sa Urdaneta District Hospital then pumunta kami ng Binalonan RHU, sa San Manuel RHU tapos ngayon po dito sa Asingan.” ayon kay Sherry Balbiran, District Nurse Supervisor ng Urdaneta District Hospital.
Pinangunahan ni Mayor Carlos Lopez Jr. ang simulation, kung saan ipinakita ang kada proseso ng pagpapabakuna sa Asingan.
“Akala namin kahapon pati kami kasali na because as I promise to our constituent na ako ang mauna para ma-boost natin ang kanilang moral but sad to say may order po ang national government, wala po kami sa listahan” ani ng alkalde.
Maalalang kamakailan ay pinagpapaliwanag ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang limang alkalde na nauna nang nagpabakuna kahit hindi naman kasama ang mga ito sa priority list.
Target ng pamahalaang mabakunahan ang nasa pitongpung poryento (70%) o 40,000 residente para makamit ang herd immunity, na isang paraan upang mapigil ang pagkalat ng COVID-19.
“Meron ng mga variant gaya ng UK Variant at [South] African Variants so kailangan kailangan talaga na ma-start na natin mabukunahan lahat ng frontliners para po maproteksyunan laban sa covid 19. Kaya ang priority ngayon is the health workers, kasi dito mismo sa health center mga BHW, BHERTs — kasi sila yung humawak tumitingin direct sa mga tao, sa mga pasyente” dagdag ni Balbiran.
“Ang sabi ng DOH baka next week darating na yung batches ng mga bakuna para sa Pangasinan, para sa mga health workers na hindi pa nabakunahan. Prior po itong simulation, prior po itong vaccination activity, nanguha na po ang DOH ng list ng mga priority” saad ni Barlbiran
Romel Aguilar / JC Aying

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top