GRASSFIRE, NANGUNGUNANG SANHI NG SUNOG; INSIDENTE NG SUNOG SA ASINGAN, BUMABA NG 50% DAHIL SA PANDEMYA
Ginugunita ngayong buwan ng Marso ang Fire Prevention Month, na may temang “Sa Pag-iwas sa Sunog, Hindi ka Nag-iisa”.
Ayon kay SFO4 Nerissa M Bruan, Municipal Fire Marshal ng Asingan, nangunguna sa dahilan ng sunog na naital sa bayan ay grassfire. Karamihan sa mga ito ay napabayaang pagsisiga.
“Kasi yung carelessness ng mga nagsusunog. Although bawal na nga, nagsusunog na napapabayaan pa. Isa pa bawal talaga ang magsunog kasi nga nakakasira ng Ozone natin, kasi nga as we all know depleted na ang ozone layer kaya nga ginawa yung RA9003 na in-act yun to protect yung ating ozone layer” ani Bruan.
Sa ilalim ng Republic Act 9003 o ang Ecological Waste Solid Waste Management Act, ang sino man na mahuhuli ay maaring makulong ng labinlimang araw (15) at magmumulta ng tatlong daang piso (300) hanggang isanglibong piso (1,000).
Dahil sa pandemiya, bumaba ng sinkwenta porsyento (50%) ang insidente ng sunog sa bayan. Kaya naman paalala ng BFP Asingan, maging maingat upang makaiwas sa anumang insidente ng sunog.
“Inaasahan natin nga since dry season dadami o wag naman sanang may mga fire incident o destructive fire na mangyari. Pinaalalahan natin na lagi lagi natin na sinasabi na very simple tips pero ini-ignore nila gaya nung pag may sinaksak ka na appliances pag hindi mo na ginagamit at pinatay mo na kailangan hugutin mo sa pagkakasaksak, yung mga posporo mga gasolina pag nag imbak tayo sa bahay itago natin sa mga lugar na hindi pwedeng makuha ng mga bata tapos siyempre pag nagluluto tayo wag natin hahayaan na makipagdaldalan tayo at iwanan ang ating mga niluluto. Itong simpleng mga tips na ito ini-ignore natin, it will rock us” pahayag ni Bruan.