SUMMER PASYALAN NA SWAK NA SWAK SA IYONG BUDGET SA HALAGANG P50 LAMANG. MALA PARAISONG TANIMAN NG PRUTAS AT BULAKLAK, DAYUHIN NGAYONG SUMMER 2021
Eco friendly na, magaan pa sa bulsa—ito ang ipinagmamalaki ng isang farm na matatagpuan sa Barangay Carosucan Sur sa bayan ng Asingan.
Sa halagang singkwenta pesos (P50) ay maari mo nang malibot ang nasa dalawampung (20) hektaryang taniman ng halo-halong prutas at iba’t ibang bulaklak na tiyak na patok na pamilya.
Kuwento ng mag-asawang Jocelyn Sapigao at Emmanuel Sapigao taong 2013 nang magsimula ang pagkahilig nila sa pagtatanim.
“Ang idea po nito kasi is a family farm, pasyalan lang namin itong magpapamilya. Noong namatay yung kapatid kong nasirang kapitan, ako na yung pumalit dito nagtanim kasi ang Asingan walang pinapasyalan na ganito kaya nagkaroon ako ng idea na why not open it to the public para naman makita nila yung mga tanim kasi nakaka-enjoy tumingin ng ganito.” ayon kay Punong Barangay Sapigao.
Maliban sa sight-seeing, maaari ring mamitas at bumili ng produkto sa farm ang mga bisita.
“Sa fruit trees kung may mga fruits na available pwede silang mag-picking tapos ipapatimbang doon babayaran. Kung gusto naman nila na yung mga tao magpipitas pwede rin sa murang halaga. Kung sa labas, ang kalamansi is P100, nabibili lang dito ng P30. ” dagdag ni Sapigao.
Sa pagbangon ng sector ng turismo sa gitna ng pandemya, hinikayat ang mga lokal at bisita na magpunta sa Agri Tourism Park.
“Sa mga gustong pumasyal po dito sa farm dito po sa Carosucan Sur Asingan, Pangasinan pwede po kayong pumasyal kaya lang may entrance po tayo mura lang naman P50 pesos, sulit kasi napakalawak ng area marami kayong area na pwedeng pagpicturan allowed naman kayo mag rest dito kahit maghapon hanggang six o’clock” pahayag ni Sapigao.
Ang mga shed at bahay kubo ay libreng magagamit, meron din silang canteen at mga CR.
Romel Aguilar / JC Aying / Rome Bagood