HALOS 1 MILYONG TULONG-PANGKABUHAYAN NG DOLE REGION 1, IGINAWAD SA TODA AT KALIPI NG ASINGAN; RD NATHANIEL LACAMBRA, MALILIPAT NA SA CAR SIMULA PEBRERO 15
Sa pagbisita ni Regional Director Nathaniel Lacambra ng DOLE Region 1 kasama si dating Congresswoman Marlyn Agabas at kasalukuyang Congressman Tyron Agabas ng ika-anim na distrito, ay iginawad nila ang tseke na nagkakahalaga ng P999,300.00 sa lokal na pamahalaan ng Asingan.
“Siguro awanen ti maibaga yun nu nagatang ton ti ili nga Asingan paradakayo dagiti nga arumaten. Awan to siguro maibaga yu metten ada gamen dagidiay dadduma nga kumalkalbet kada kayo sumali kayo kadakamen [NPA] ta napinpintas ditoy awan iti maited iti gobyerno kadakayo. Tatta kitang kita yo nga ada iti maidid ti local governmen unit yu, ti opisina ni Congressman, ti National Government so sapay kuma haan kayo agpapaalilaw kakabsat amo yu metten ti kayat ko nga paipapanan” pahayag ni Lacambra.
Ang tulong-pangkabuhayan ng DOLE ay gagamitin upang makapagpatayo ng Bigasang Bayan at ang benepisaryo nito ay ang Asingan Tricycle Operatrors & Drivers (TODA) at ang Kalipunan ng Liping Pilipina (KALIPI) Asingan Chapter.
“Nirequest natin sa DOLE na bigasang bayan o negosyo para sa mga registered at authentic na mga organization ng ating bayan. Sila yung na-identify mga grupo ng TODA at grupo ng KALIPI hati sila sa pondo. Ito ay iniative ng local government unit through kay Congressman Tyrone Agabas” saad ni Mayor Carlos Lopez.
“Ti tulbek ngarud ti progreso iti negosyo tayo ditoy bigasan ket ada kadakayo i-monitor kayo apo iti DOLE siak met ket subaybay met nu kasatno tayo apo nga mapapintas ti negosyo sitno mapadakel tayo dayta” pahayag ni Congressman Tyrone Agabas.
Ang halos nasa isang milyon piso ay ipambibili ng dalawandaan at limampu (250) kaban ng Class A na bigas, dalawandaan at apatnapu’t apat (244) na kaban ng Class B na bigas, dalawang trolley, dalawang weighing scale at iba pa.
“Atoy nga grant apo manen ibagak out of love isu nga ingatan po ninyo para sa susunod na henerasyon ada pay mausar da pay ket nuh ada ti pagsapulan, ada met makarga ti tiyan, ada makarga ti bulsa, iwas utang, iwas apa” paalala ni Vice Mayor Heidee Chua.
“Nagpapasalamat tayo sa pamunuan ng DOLE lalong lalo na sa ating Regional Director at sa ating Congressman na napakabilis po ng pag-facilitate ng bigasang bayan para ating mga recipient para sa ating bayang Asingan. At sa mga hindi pa po nakakuha, may pagkakataon po tayo. Puntahan niyo lang po ako sa aking opisina i-endorse ko po kayo kay Congressman Agabas patungo sa DOLE upang kayo ay mabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng puhunan sa pagnenegosyo” mensahe ni Mayor Lopez
Epektibo naman ngayong February 15 ay malilipat na sa Baguio si Regional Director Nathaniel Lacambra upang pagsilbahan ang mga kababayan sa Cordillera Administrative Region. Sa kanyang panunungkulan sa Rehiyo Uno ay nakapagbigay na ang DOLE ng aabot sa apat na raang milyong tulong pinansyal.
Romel Aguilar / JC Aying