PITO NA BAGONG KASO NG COVID-19, NAITALA SA ASINGAN
Muling nadagdagan ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa bayan ng Asingan. Ayon sa Rural Health of Asingan, 7 na bagong kaso ang naitala sa nakalipas na isang linggo.
Si Patient No. 50 ay 23-anyos na babae mula sa Barangay Ariston East at isang Medical Frontliner. Siya ay may travel history sa bayan ng Tayug at kasalukuyang nagpapagaling sa Eastern Pangasinan District Hospital.
Si Patient No. 51 ay 66-anyos na lalaki mula sa Barangay Domanpot. Siya ay nahawa kay Covid Patient no. 47 at kasalukuyang naka-home quarantine.
Ang pang 52 kaso naman ay ang 65 anyos na babae mula sa Barangay Domanpot at na expose kay Covid Patient no. 47 at kasalukuyang naka-home quarantine.
Mula rin sa Barangay Domanpot si Patient No. 53, 38-anyos na lalaki, na expose kay Covid Patient no. 47 at kasalukuyang kasalukuyang naka-home quarantine.
Si Patient No. 54 ay 8-anyos na babae, ang pinakabata sa mga bagong kaso at mula din sa Barangay Domanpot. na expose kay Covid Patient no. 47 at kasalukuyang naka-home quarantine.
Si Covid Patient number 47 ay isang medical frontliner.
Si Patient No. 55 ay 20-anyos na babae mula sa Barangay San Vicente East. Siya ay nahawa kay Covid Patient no. 44 at kasalukuyang naka-home quarantine.
At panghuli si Covid Patient no. 56 ay ang 40 anyos mula sa Barangay Toboy at may travel history mula sa siyudad ng Urdaneta at kasalukuyang nasa Isolation facility ng bayan.
Patuloy pa ring pinag-iingat ang publiko at pinapayuhang sundin ang minimum public health standards. Bagamat ang bayan ay nasa MGCQ, pinapaalalahanan ang publiko na lumabas lamang ng tahanan kung kinakailangan. Lubos na pag-iingat lalo na ngayon ang kailangan para mapangalagaan ang kalusugan ng bawat pamilya.
Romel Aguilar / JC Aying