DALAWANG BATANG BENEPISYARYO NG 4P’s SA BAYAN NG ASINGAN WAGI SA REGIONAL COMPETITION NG DSWD
Nasungkit ng labindalawang taong gulang na mula sa barangay Carosucan Norte na si Lorenzo Fernandez Jr. ang pangalawang pwesto sa katatapos na visual arts competition ng DWSD Region 1 na Likha ng bata para sa bata.
“Dahil doon sa pandemic hindi po sila makalabas labas nagkaroon po ng iniative ang ating DWSD na gawin siyang Likha ng Bata para sa Bata, may postermaking, may essay writing. So Yung likha ng bata para sa mga bata tungkol sa kinakaharap ng ating gobyerno at problema ng pamayanan” ayon kay Michael Eric Sabado, isa sa mga Municipal Link ng bayan ng Asingan.
“Mula pagkabata talagang marunong na siyang gumuhit pati magkulay ganun yung ginagawa niya nakahiligan niya sir eh hanggang lumaki siya ganun yun na yung naging hobby niya.Yung mga kailangan niya sir binibili namin kahit kapos basta yung kailangan niya binibigay namin lalo na sa pagdradrawing niya sir minsan nagsesearch ako kung prinapraktis niya ganun” ani ni Sunshine Fernandez, ina ni Lorenzo Fernandez Jr.
Kasama din sa nabigyan ng parangal ang labing apat na anyos na si Christine Pascual mula sa barangay Toboy. Ang kumpetisyon ay sinalihan ng mga batang benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program mula sa Ilocos Sur, Ilocos Norte, La Union at Pangasinan.
“Masaya sir pati yung papa niya proud din, yung mga gamit niya pag may mapipitas na tanim bumibili kami para matupad niya ang pangarap niya na gusto niyang sumali. Nakikita ko lang siyang nagdradrawing tapos binibigyan ko ng pansin sir sabi ko itry mo na sumali suportahan ka namin” saad ni Mirafe Pascua, ina ni Christine Pascual
Romel Aguilar / JC Aying