Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

KAPULISAN AT EMPLEYADO NG LGU ASINGAN NA ISINAILALIM SA SURPRISE DRUG TEST, NEGATIBO SA DROGA

Jan
28,
2021
Comments Off on KAPULISAN AT EMPLEYADO NG LGU ASINGAN NA ISINAILALIM SA SURPRISE DRUG TEST, NEGATIBO SA DROGA


KAPULISAN AT EMPLEYADO NG LGU ASINGAN NA ISINAILALIM SA SURPRISE DRUG TEST, NEGATIBO SA DROGA
Negatibo sa iligal na droga ang 112 na kawani ng lokal na pamahalaan ng Asingan at kapulisan base sa isinagawang sorpresang drug test noong Lunes, Enero 25.
“This is a mandate of the National Police which is order po yun ng ating Presidente. Kung maalala niyo po noong pag-upo na pag-upo pa po ng ating Presidente ay inutos niya kaagad yung pag-operate regarding nga sa illegal drugs na ito. Dapat lang po na talagang malinis lalo na po sa ating personnel na dapat po ay wala pong ma-involve sa pagbebenta o paggamit ng illegal na droga.” pahayag ni Police Major Resty Ventenilla, Chief of Police ng Asingan.
Sa LGU Asingan, unang sumailalim sa sinagawang drug test si Mayor Carlos Lopez Jr.
“Rine-require natin lahat ng mga empleyado from the police to the LGU employee na siguraduhin na walang drug addict dito sa bayan ng Asingan dahil gusto ko model ang lahat ng mga empleyado at mga kapulisan natin regarding diyan sa drug implementation program ng National Government. Kaya hinihigpitan ko lahat ng ating mga empleyado na dapat walang magpositive kung hindi, malalagot sila sa batas. Kailangan lahat tayo ay maging magandang ehemplo para sa ating nasasakupan” saad ng alkalde.
Suportado ni Dr. Ronnie Tomas, ang Municipal Health Officer ng Asingan, na dapat maging magandang ehemplo sa publiko ang mga opisyal ng gobyerno.
“Maganda sa ating nagta-trabaho sa gobyerno kasi tayong mga trabahador ng gobyerno tayo ang example na dapat drug free tayo. Maganda yung ginagawa ng ating Mayor, kaya kung walang gumagamit male-lessen natin yung criminality” ani Tomas.
Romel Aguilar / JC Aying

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top