BAGONG GUSALI NG MWSD AT MDRRMO SA BAYAN NG ASINGAN, PINASINAYAAN
Pinangunahan ng Lokal na Pamahalaan ng Asingan sa pamumuno ni Mayor Carlos Lopez Jr., kasama si Vice Mayor Heidee Chua at mga miyembro ng Sangguniang Bayan ang pagpapasinaya sa dalawang bagong gusali ngayon araw, January 29.
Ang bagong gusali ng Municipal Social Welfare and Development (MSWD) ay nagkakahalaga ng Php 6Million.
“Ngayon umaga andito na naman po ang isang milestone ng ating bayang Asingan. Salamat po sa support ng Sangguniang Bayan at na-achieve na naman natin ang ating ambisyon na magkaroon ng crisis center. So gawin po natin na kapaki-pakinabang itong bahay na ito para po sa ating mga kababayan and i hope na pagka-ingatan natin ito para sa darating pang maraming henerasyon magagamit po ito bilang sandalan ng ating mga kababayan” pahayag ni Mayor Lopez.
Ang Crisis Center ng DSWD ang magsisilbing lugar para sa mga distress na kababaihan, mga may problema na kabataan at iba pa.
“Marami pong salamat sa napakagandang office Mayor, Vice, mga member ng Sangguninang Bayan lalong lalo na kay Engineer Laroya kasi siya yung palaging nagsasabi sa akin na yung opisina ko na lang yung hindi maganda office. So Engineer Laroya maraming salamat kasi kinonvince mo ang ating Mayor, pati noon si dating Mayor Heide Ganigan Chua kasi siya ang nagsabi na dapat mayroon tayong Crisis Center” ani Teresa Mamalio, Municipal Social Welfare and Development Officer ng Asingan.
Ang bagong gusali naman ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ay magsisilbing 24/7 Disaster Response Center na tututok sa pagtulong sa panahon ng kalamidad, sakuna at iba pang mga insidente sa bayan.
Ang bagong gusali ay makatutulong para maiging magampanan ang pangangalap, pagtatago at pagsusuri ng mga datos.
“Marami pong salamat kay Mayor Chua at Mayor Lopez dahil nakumpleto na ito noong time nilang dalawa. So salamat po at ito ay magsisilbing operation center. Inaasahan ko yung suporta ng ating Sangguniang Bayan saka sa Mayors Office” saad ni Dr. Jesus Cardinez, kasalukuyang head ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.
“Hindi po mangyayari ang ating mga goals and ambisions and visions for our town kung wala po tayo po ng motivitation and inspiration and cooperation at huwag natin kakalimutan ang lahat ng ito ay galing po sa ating Panginoon” pahayag ni Vice Mayor Chua.
“Manen ti pinagyaman ko kadakayo ket tuloy tuloy tayo ti nagpintas apo nga panagkakadwa tayo, ti nagpintas nga ambsiyon tayo, ken pinangsuportayo datoy manen nga administrayon mi kenni apo Vice Mayor Heidee ket ti pinagyaman ko kadakayo amin.” mensahe ni Mayor Lopez
Romel Aguilar / JC Aying