PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG PANGASINAN, MAGBIBIGAY NG TAX AMNESTY SA AMILYAR
Binigyan ngayon ng amnestiya ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan ang mga real property owner, sa bisa ng Panlalawigang Ordinansa bilang 253-2020 na nagpapalawig sa pagbibigay ng tax relief at condonation sa pamamagitan ng pag-alis o pagbawas sa pagbabayad ng penalties at interest para sa delinquent real property taxes at ang pagbibigay ng karagdang 20% diskwento para sa mga regular at maagang magbayad ng buwis.
Kasunod nito ay nagpaalala ang lokal na pamahalaan ng Asingan sa publiko na samantahalin ang ipinatutupad na amnestiya sa buwis na tatagal hanggang sa katapusan ng taong 2021.
“Ako po ay nananawagan sa ating mga kababayan na naging delinquent na po sa kanilang real property na kayo po’ý bumisita sa ating pong lokal na pamahalaan para po makwenta kung magkano na po yung babayaran niyo. Alam ko po na sa panahon ngayon, nahihirapan po ang bawat isa po sa atin na magbayad ngunit ito po ay obligasyon po natin sa ating pamahalaan para naman po in return meron naman din magamit ang ating pamahalaan sa pagbibigay din po ng serbisyo sa inyo at sa ating bayan” ani Mayor Carlos Lopez Jr.
Hindi naman sakop nito ang mga ari-arian na may nakabinbin na kaso o may protesta sa korte.
Romel Aguilar / JC Aying