Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

MGA TAGA-ASINGAN NAGBAYANIHAN PARA SA MGA NASALANTA SA CAGAYAN

Nov
19,
2020
Comments Off on MGA TAGA-ASINGAN NAGBAYANIHAN PARA SA MGA NASALANTA SA CAGAYAN

MGA TAGA-ASINGAN NAGBAYANIHAN PARA SA MGA PAMILYANG NASALANTA NG TYPHOON ULYSSES SA CAGAYAN; PHILIPPINE COAST GUARD KATUWANG SA PAGBIBIGAY SERBISYO
Hindi pa man tapos ang banta ng COVID-19 sa bansa ay magkasunod-sunod na bagyo ang nanalasa sa Pilipinas, kung saan isa sa matinding napinsala ng bagyong Ulysses ay ang lalawigan ng Cagayan.
Dahil dito, inilunsad ng LGU Asingan, Sangguniang Bayan at Sangguniang Kabataan ang pangangalap ng donasyon at tulong para ibigay sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses.
Miyerkules ng umaga sa pakikipagtulungan sa Philippine Coast Guard ay kanilang tinanggap ang mga donasyon ng mga kababayang Asingan.

“As of now sir meron tayong directives from headquarter sir, thru coordination of LGU Asingan Pangasinan to transport yung mga relief goods dadalhin namin sa Coast Guard District Northwestern Luzon sa may La Union tapos icoconvoy from La Union going to Cagayan.” pahayag ni Commander Mark Valencia ng Coast Guard District Northwestern Luzon.
Umabot ng dalawang trak na puno ng relief goods ang first wave na ibibigay na tulong ng mga kailyan.
Hanggang sa ngayon ay dagsa pa rin ang pagdating ng mga karagdagang tulong para sa Cagayan.

“Lahat po ay ine-encourage po natin na tumulong po sa mga kababayan natin nasalanta ng bagyo lalong lalo na sa Cagayan, Isabela, North Eastern Luzon at the same time dito po sa Rizal. Yung clothing marami na rin nagbibigay pero pinakakailangan talaga pagkain at tubig, so far unti unti na rin bumabangon. Maraming tulong na galing LGU at the same time lalong lalo na yung walang kapagurang pagseserbisyo ng ating gobyerno, kanya kanyang talaga tulong sa kanila para makabangon.” dagdag ni Valencia.
Romel Aguilar / JC Aying

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top