EDAD 18-65 PUWEDE NANG LUMABAS – IATF ASINGAN
Maaari nang lumabas ang mga nasa edad 18 hanggang 65 taong gulang. Ito ay base sa desisyon ng Inter-Agency Task Force(IATF) Asingan, kamakailan.
“Yung 15 years old to 17 years old dapat with parents, gurdians saka elders na miyembro ng kanilang pamilya pero buying basic essentials. Then, 18 years old to 65 years old, they can go out to access basic commodities.” ayon kay Mayor Carlos Lopez Jr.
Ang hakbang na ito ay sinegundahan naman ni Vice Mayor Heidee Chua.
“Para sa akin din kasi kung walang kasama yung hindi pa adult magkakaroon tayo ng problema kaya mas ok na yung kasama nila preferably yung parents hindi yung companion na barkada yun sana ang mangyari and maganda rin yun para ma-propel na rin ang economy kasi makikita natin halos mga bata sila yung consumer eh. ” ani Vice Mayor Chua .
Samantala, mananatili pa rin ang curfew mula alas-8 ng gabi hanggang alas-5 ng madaling araw sa bayan ng Asingan.
Romel Aguilar / JC Aying