TOURISM INDUSTRY SA ASINGAN, UNTI-UNTI NANG BUMABALIK; ASINGAN AGRI TOURISM FARM, MULING MAGHAHATID SAYA SA MGA TURISTA NGAYONG NOBYEMBRE
Makatapos ang ilang buwan na pagsasara dahil sa COVID 19 ay balik operasyon na muli ang Norte Breeza ng barangay Carosucan Norte.
“Ito yung chance namin to celebrate Teacher’s Day so nalaman namin na ito [Norte Breeza] ay nagbukas na so dito namin napili magdaos kasi nga para maka-unwind din ang aming mga teacher and of course maka-celebrate kami ng masaya at mas maluwag na venue na ganito.” ani ni Major Norberto Orpilla, Pastor at Spirtual Director ng The Salvation Army Educational Services Inc.
Isa lamang ang Norte Breeza Resort ng Asingan sa halos tatlong daan establisamento sa Pangasinan na nabigyan ng Provisional Certificate of Authority to Operate o PCAO para mag operate ng Department of Tourism o DOT.
Ayon kay Tourism Officer Soliven Cendaña Miko, sa ngayon ay nasa tatlong tourist spot pa ang kasalukuyang nag-aayos ng kanilang mga requirement sa Department of Tourism.
Kabilang dito ay ang ay MJV Resort ng Barangay Baro, Deocares Resort ng Barangay Domanpot at Asingan Agri-Tourism Farm ng Barangay Carosucan Sur.
“Ito yung mga requirement ngayong new normal para makakuha ng certificate of authority to operate from DOT: duly accomplished DOT accreditation form, self-assessment form, yung valid mayors permit, photos showing there compliance on DOH minimum health standards & safety protocols at letter of intent. ” pahayag ni Soliven.
Inaasahan na sa unang linggo ng Nobyembre ay magbubukas ang isa pang dinadayong pasyalan sa bayan na Asingan Agri Tourism Farm.
“Actually pumunta na sila dito last Monday and then kumuha na sila ng mga required form para isubmit nila sa DOT thru online and after that siguro pag na-process na it takes one week po siguro para makakuha ng PCAO.” saad ni Soliven.
Romel Aguilar / JC Aying / Rome Bagood