PATIENT NO. 10 NG BARANGAY CAROSUCAN NORTE, GUMALING NA!
Nakauwi na sa kanilang tahanan ang COVID-19 survivor na si patient no. 10 mula sa Barangay Carosucan Norte, noong Sabado ng hapon, ika -26 ng buwan ng Septyembre.
Sumailalim ito sa quarantine period sa isolation facility ng Eastern Pangasinan District Hospital hanggang sa gumaling ito sa sakit na COVID-19.
Samantala, ayon sa Ilocos Training and Regional Medical Center, negatibo naman ang naging resulta ng swab testing ng dalawampu’t pitong katao na nagkaroon ng close contact sa nasabing COVID-19 survivor.
Romel Aguilar / JC Aying