ASINGAN, NAKAPAGTALA NG PANIBAGONG KASO NG COVID 19; MGA NAKASALAMUHA NI PATIENT NUMBER 9 NG TOBOY, NAG NEGATIBO SA SWAB TEST!
Umabot na sa kabuuang sampu ang bilang ng kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bayan ng Asingan matapos makapagtala ng isang bagong kaso kahapon.
Isang labing anim na taong gulang na babae na bagong panganak mula sa barangay Carosucan Norte, asymptomatic o walang iniindang sintomas ang nagpositibo sa COVID-19.
Sa ngayon ay nasa isolation facility na ng Eastern Pangasinan District Hospital o EPDH si Patient 10 ito ay ayon kay Municipal Health Officer, Dr. Ronnie Tomas. At nasa pangangalaga naman ng Tayug Family Hospital ang kanyang anak.
Nagsagawa naman ng contact tracing at isinailalim na rin sa lockdown ang isang compound sa Zone 6 sa nasabing barangay, ito ay sa pahayag ni Police Major Leonard Zacarias, ang kasalukuyang PNP Chief ng bayan.
Ang lokal na pamahalaan ng Asingan sa pangunguna ni Mayor Carlos Lopez Jr. ay mamimigay din ng relief goods sa pamilya ng nag positibo sa COVID-19.
Samantala, negatibo naman ang naging resulta sa sinagawang swab test sa mga naging close contact ni Covid-19 patient 9 mula sa barangay Toboy at inaasahan anomang araw ngayong linggo ang kayang pag discharge mula sa Region 1 Medical Center o R1MC Isolation Facility.
Writer Akosi MarsRavelos Photo JC Aying / Rome Butuyan Bagood