Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Public Hearing Hinggil Sa Pagpataw Ng Buwis Sa Palay Buyers Na ‘Di Taga Asingan, Kasado Na!

Sep
14,
2020
Comments Off on Public Hearing Hinggil Sa Pagpataw Ng Buwis Sa Palay Buyers Na ‘Di Taga Asingan, Kasado Na!


SB CORNER:
PUBLIC HEARING HINGGIL SA PAGPATAW NG BUWIS SA PALAY BUYERS NA ‘DI TAGA ASINGAN, KASADO NA!
Nakatakdang magsagawa ng public hearing ngayong darating na setyembre a-bente kwarto patungkol sa panukalang dapat buwisan ang mga dayuhang rice traders na bumibili ng palay sa Asingan.
“Kung pupuwede pumantay din sila, kasi kung sila [taga Asingan] rin pumapasok sa kanilang bayan di sila pinapapasok. So kung ganun ang ginagawa sa ibang bayan ire-require ko din lahat ng pumasok na mag-business permit sa Asingan bago sila mag-initiate ng any kind of business para fair naman doon sa nagnenegosyo na may permit sa ating bayan” pahayag ni Mayor Carlos Lopez Jr.
Ayon kay Vice Mayor Heidee Chua karamihan ng mga palay buyers na nag aangkat ng palay mula sa Asingan ay mula sa probinsya ng Nueva Ecija at Isabela.
“So sila [rice traders] kumukuha without benefit na nakukuha yung bayan natin so I think it’s time na lahat ng pumapasok na mga negosyante dito sa Asingan eh mag tax” saad ni Vice Mayor Chua.
Iimbitahan sa nasabing pagdinig sa Sangguniang Bayan ang mga local palay buyers at punong barangays upang pag-usapan ang dapat ipataw na buwis at malaman na rin ang mga saloobin ng mga imbitado.
Kabilang sa mga tinalakay sa regular session ng SB Asingan kanina ay ang sumusunod:
1. Ang Resolution No. 6, Series of 2020 ng Sangguniang Barangay ng Sobol, na humihiling sa lokal na pamahalaan ng Asingan, sa pamamagitan ni Honorable AIra GChua, Municipal District Councilor na maglaan ng pondo para maituloy ang konstrukyon ng bakod sa Child Development Center ng Barangay Sobol
2. Ang Resolution No. 33, Series of 2020 ng Sangguniang Barangay ng Sobol, na humihiling sa lokal na pamahalaan ng Asingan, sa pamamagitan ni Honorable Viray Villanueva Joselito, Municipal District Councilor na maglaan ng 30, 000 pesos na pondo para sa paglalagay ng solar powered street lights
3.. Ang Unnumbered Resolution, Series of 2020 ng Sangguniang Kabataan ng Domanpot, na humihiling ng tulong pinanasyal mula sa lokal na pamahalaan ng Asingan, sa pamamagitan ni Honorable Fiel Xymond Cardinez, Presidente ng Pambayang Pederasyon ng Sangguniang Kabataan ng Asingan, para sa pagbili ng isang office storage table ng Sangguniang Kabataan ng Domanpot.
4. . Ang Resolution No. 1, Series of 2020 ng Pambayang Pederasyon ng Sangguniang Kabataan ng Asingan na humihiling sa lokal na pamahalaan ng Asingan, sa pamamagitan ni Honorable Heidee L. Ganigan-Chua, Municipal Vice Mayor na maglaan ng pondo para sa pagbili ng washable facemask na gagamitin ng mga SK Chairperson at mga SK Kagawad ng 21 barangay sa Asingan.
5. . Ang Joint Resolution No. 6, Series of 2020 ng North Central Elementary School Teaching Force, PTA at Sangguniang Barangay ng Dupac na humihiling sa lokal na pamahalaan ng Asingan, sa pamamagitan ni Honorable Melchor Cardinez., na maglaan ng pondo para sa pagbili ng 20 reams ng bond paper na gagamitin sa modules ng mga mag-aaral
Writer Akosi MarsRavelos Photo JC Aying

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top