Narito ang ilan sa protocols na napagkasunduan sa nangyaring pagpupulong ng Local Inter-Agency Task Force kontra COVID-19 sa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGC):
1. Ang Asingan Public Market at lahat ng Commercial Establishments ay bukas mula Lunes hanggang Linggo simula August 15 hanggang 30, 2020;
2. Inalis na ang market schedule ng mga barangay, ibig sabihin, lahat ay maaari ng makapasok sa palengke at lahat ng establishemento sa kahit anong araw simula August 15 hanggang 30, 2020;
3. Hindi na kinakailangan pa ng QUARANTINE PASS sa ASINGAN PUBLIC MARKET at COMMERCIAL ESTABLISHMENT.
4. Ang Palengke ay bukas mula alas singko ng umaga hanggang alas siete ng gabi
5. Striktong ipinatutupad ang mga sumusunod:
a. Pagsusuot ng face mask
b. Social Distancing
c. Maayos na hand hygiene
d. Curfew hour na alas otso ng gabi hanggang alas singko ng umaga
6. Iskedyul ng SAVEMORE para sa mga kustomer galing sa ibang mga bayan:
a. Villasis at Urdaneta – Martes
b. Sta. Maria at San Manuel – Huwebes
c. Ibang mga bayan – Sabado
7. Ang mga indibidwal na edad dalawamput isang (21) taon pababa o animnapung (60) taon pataas, mga may mahihinang resistensya, may sakit o karamdaman at buntis ay hinihikayat na manatili na lamang sa kanilang mga kabahayan.