Limang kilometrong Eco Park, plano ng Asingan LGU; Biking at Skateboarding, balak gawing dagdag atraksyon
Nasa limandaan piraso ng fruit tree at forest tree seedlings gaya ng paper tray, cacao, kasoy at melina ang sabay-sabay na itinanim ng mga empleyado mula sa iba’t ibang departamento ng lokal na pamahalaan ng Asingan, concern agencies gaya ng Bureau of Fire Protection o BFP at Philippine National Police o PNP at ng barangay Bantog officials.
Hinimok ni Sanggunian Bayan Committee head on Environment and Natural Resources na si Councilor AIra GChua
ang mga kababayan na bigyang halaga, ingatan at mahalin ang kapaligiran.
“Nare-recyle ang plastic pero mas maraming kalat pa rin na plastic. So I hope, everyone will care for the environment kasi it’s not for us na nagtatanim lang ngayon o nasa public service pero para sa lahat pa rin ito.” pahayag ni Konse Chua.
Plano ng lokal na Pamahalaan ng Asingan sa pangunguna ni lodi Mayor Carlos Lopez Jr
ang pagtatayo ng istraktura malapit sa dike ng Agno River upang maging tourism destination. Balak din na gawing venue ang lugar para sa mga mahilig sa biking at skateboarding.
“Kasi di ba gusto natin magkaroon ng Eco Park? We have to start planting now para magkaroon ng eco park. Yung commitment natin ngayon, yung buong dike na yan lalagyan natin siya. Ito na nag-start na tayo. Ang suggested ng DENR, kawayan, para maproteksyon natin yung dike para meron tumulong kapag dumating ang ulan at hindi masira ang slope ng dike natin.”pahayag ng alkade.
Ang salitang “ARBOR” ay mula sa salitang Latin na nangangahulugang PUNO. Sa pamamagitan ng Republic Act 10176, ang Arbor Day Act of 2012, muling binuhay ang pagtatanim ng puno bilang taunang aktibidad para sa mga lokal na pamahalaan.
Writer Akosi MarsRavelos
Photo/Drone JC Aying
Rome Butuyan Bagood