Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

3,000 unit ng dugo target malikom ng Region 1 Medical Center kada buwan

Jul
13,
2020
Comments Off on 3,000 unit ng dugo target malikom ng Region 1 Medical Center kada buwan


3,000 unit ng dugo target malikom ng Region 1 Medical Center kada buwan
Maaga pa lang ay pumila na sa bloodletting activity ang apatnapu’t apat na taong gulang na person with disability o PWD na si Ruben Elegio mula sa Barangay San Vicente East.
“Nangangailangan kasi yung kasama namin kaya magdo-donate ako ng dugo kasi yung kasama namin na-operahan sa pagbubuntis at masaya ako na makatulong sa tao” ayon kay Elegio.
Nagsagawa kamakailan ng bloodletting activity ang Region 1 Medical Center kaagapay ang lokal na pamahalaan ng Asingan at ng Bombo Radyo Dagupan.
Ayon kay National Voluntary Blood Services Program Donor Document Officer Nurse 1 Gerald Dioquino na layunin nang naturang aktibidad na makadagdag sa kinakailangan na dalawa hanggang tatlong bag ng dugo bilang tugon sa malaking kakulangan ng supply ng dugo sa lalawigan.
“Huwag silang matakot kasi ang nakikita kong dahilan ngayon kung bakit kukunti ang nagdo-donate ngayon dahil sa natatakot sila sa pandemya ng covid 19, wherein kasi doon naman sa Region 1 (medical certer) safe naman po sila doon. Ini-screen naman po namin nang mabuti yung mga donors natin kung may history sila regarding kung may nakasalamuha o nakausap na may covid ay automatic deferred na po kaagad or history ng travel nila kung galing sila sa lugar na may nagpositive hindi na po namin tinatanggap.” saad ni Dioquino.
Sa ginanap na aktibidad, nakapag-amag ang lokal na pamahaalan ng Asingan ng dalawampu’t pitong bag ng dugo.
Sa July 16 ay idaraos ang bloodletting program sa bayan naman ng Mangatarem.
“Tumulong sana yung mga lokal government kasi ang problema nila hindi sila makapunta sa facilty po namin doon sa Region 1. Kasi ngayon kukunti lang ang masakyan kung pwede rin sanang magprovide ang lokal government ng transportation para makapunta yung gustong magdonate. Ang requirement lang naman po para makapagdonate sa Region 1 is a valid id”, panghihikayat ni Dioquino.
Writer Akosi MarsRavelos Photo JC Aying

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top