Bagong LandBank ATM, binuksan na sa Asingan
Binuksan na ang Automated Teller Machine (ATM) ng LandBank of the Philippines na matatagpuan sa harap ng Goverment Center, tabi ng Police Station at RHU Asingan nitong umaga nang Miyerkules.
Mismong si Mayor Carlos Lopez Jr
at Vice Mayor Heidee Chua
ang mga unang nagsagawa ng transaksiyon sa nasabing makina sa pamamagitan ng isang simpleng programa na dinaluhan nang mga empleyado ng munisipyo.
Bente kwatro oras na magiging operational ang ATMs na magagamit ng mga Guro, Pensioners, 4Ps, Government Employees at ng mga kababayan.
“Mas maganda po kasi mas malapit na po saka mas secured po kasi malapit sa Police Station at munisipyo.” ani ni Dolly Abaya, may ari ng sari sari store.
Sa ngayon ay tanging ang ATM na pang withdraw ang gumagana.
“Mas madali po ang withdraw saka mas malapit kasi sa dati sa Urdaneta kami pumupunta saka mas mura kung sakaling may kaltas.” pahayag ng limangpu’t isang taong gulang na maybahay na si Alma De Guzman.
Kasama din sa ribbon cutting sina Konse Marivic Salagubang Robeniol
, konse Mel Franada Lopez
, konse Melchor Cardinez
, Liga President Leticia Ramos Dollente
at ng mga taga Landbank.
Writer Akosi MarsRavelos
Photo JC Aying