Papayagan na ng IATF o Inter Agency Task Force ang mga mag-asawa at nagsasama sa iisang bahay na mag-backride o umangkas sa motorsiklo simula July 10, ayon ito kay Interior Secretary Eduardo Año.
Dapat may harang ang motorsiklo sa pagitan ng driver at angkas tulad ng nasa imahe sa baba.
Mga kailangang dalhing dokumento:
Mag-asawa – marriage certificate
Live-in partners – ID na may parehong address
Kailangan din naka-mask pareho ang driver at ang kanyang angkas