Eksklusibo: Pamilya at mga nakasalamuha ng biktima ng COVID19 dumaan na sa Swab Test; Resulta ng Swab Test, lalabas makalipas ang isang linggo; Buong compound sa Sitio Dusan ni-lockdown na
Bantay sarado ngayon ang isang compound sa Sitio Dusan matapos lumabas ang resulta ng swab test nitong Miyerkules na positibo sa coronavirus disease 2019 ang biktima na umuwi galing ng Manila.
Kasama ang dalawampu’t anim na taong gulang na lalaki sa tatlumpong tao na sumailalim sa Mass Testing na isinagawa ng Provincial Health Office.
“Noong may sulat sa akin at sinabi ni Mayor na magpeperform sila ng Mass Swab sa mga PUM, Frontliners o ano naman yun since wala naman tayong mga PUI naisipan namin na doon sa mga PUM. Tinignan naming kung sino yung mga “high risk” doon namin naisama yung positive natin ngayon kasi isa sa critieria namin kung saan sila galing lalo na kung galing kang Manila dahil mas marami doong kaso sa vulnerable area.” ayon kay Dr. Ronnie Tomas, ang kasalukuyang Municipal Health Officer ng Asingan.
Inaasahan na sa susunod na linggo matatanggap ang resulta ng swab test na isinagawa sa pamilya at nakasalamuha ng biktima.
“Alam naman natin na yung examinasyon pinapadala pa sa Baguio General Hospital and Medical Center. It takes, sabihin na natin 5 days to 1 week depende sa dami na vina-validate, kasi sa ngayon ,massive testing na ang ginagawa.” dagdag ni Dr. Tomas.
Kaninang umaga ay isinagawa ang dinsinfection at chlorination na pinangunahan ng Special Rescue Unit Pangasinan at BFP Asingan ang pagdi-disinfect at chlorination ng buong compound ng biktima ng Covid 19 nitong huwebes ng umaga.
Samantala, namigay naman ng relief goods ang lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Carlos Lopez Jr at OKADA Foundation sa compound kung saan andun ang biktima .
Mag suot ng face mask. Sundin ang physical distancing. Laging maghugas ng kamay.
Writer Akosi MarsRavelos Photo JC Aying