ang number coding scheme.
Bagama’t isang national holiday bukas, ipapatupad ang number coding scheme sa mga lansangang nasa downtown o central business district ng lungsod.
Ito ay ang A.B Fernandez Avenue, A.B Fernandez East, A.B Fernandez West, Burgos at Burgos Extension Street, Perez Boulevard, Tapuac Road at ang kahabaan ng Arellano-Bani.
Tuwing Lunes, bawal dumaan sa mga kalyeng ito ang mga sasakyang ang huling numero ng kanilang plaka o conduction sticker ay 1 or 2. Tuwing Martes naman, bawal naman ang may 3 or 4 na huling numero ng plaka.
Kapag 5 o 6 naman ang huling numero ng plaka, hindi makakadaan tuwing Miyerkoles. Para naman sa 7 o 8 ang huling numero ng plaka, bawal dumaan kapag Huwebes.
At kapag Biyernes, bawal dumaan sa downtown ang may huling numero ng plaka na 9 o 0. Walang coding tuwing Sabado at Linggo.
Kabilang sa mga hindi saklaw ng ordinansa ay ang mga sasakyan ng mga “authorized persons outside residence” na karamihan ay mga manggagawa sa mga negosyong pinayagan nang mag-operate.
Ayon sa ordinansa ang sinumang mahuhuling lumabag ay bibigyan ng traffic citation ticket at kailangang magbayad ng multa sa One-Stop Business Center o Public Order and Safety Office.
Ang multa para sa unang paglabag ay P500. Sa pangalawa naman ay P1,000 at sa ikatlong paglabag ay P2,000. (DagupanPIO)