Due date sa pagbabayad ng billing ng tubig sa Asingan Water District para sa buwan ng March, April at May extended ng tag tatlong buwan
Pinalawig ng Asingan Water District nang 90 araw o 3 buwan ang due date ng mga bayarin ng kanilang mga concessionaire dahil sa uniiral na enhanced community quarantine.
“Unahin ko po yung March billing po nila, yan yung consumption ng mga concessionaires ng February, so nagbigay po ang office ng due date hanggang June 15 upang bayaran” ayon kay Oliva Asunio, secretary ng Asingan Water District.
“Since ang ECQ po ay implemented ng March 17, yun pong mga billing po ng April at May ay gagawing isang reading na lamang pero hahatiin sa dalawang buwan. ” dagdag ni Asunio.
Ito ay bilang pagbibigay konsiderasyon ng Water District sa kanilang mga concessionaire.
“Mabigat po kasi talaga yan kung isang bayaran sa lahat Kaya po nagbigay kami ng mahabang palugit. Kaya hinati din siya, hindi lang po sa report ng office kundi para madertemine din po yung due date ng April at May billing.” saad ni Asunio.
Paghahalimbawa nito, kung 30 cubic meter ang consumption ng concessionaire ay mahahati ito sa dalawang buwan. 15 cubic meter sa March na papatak sa April billing at ang natitirang 15 cubic meter sa April na papatak sa May billing.
Simula May 4 alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon, lunes hanggang biyernes bukas ang ating Asingan Water District.
Andito ang mga Reading Dates sa bawat barangay click po natin
? JC Aying ? Akosi MarsRavelos