Mga commercial establishments at maging stalls sa palengke ng Urdaneta sarado tuwing araw ng Sabado at Linggo; Mga taga Asingan maaring mamili sa bayan ng Tayug sa araw ng huwebes.
2 kagawad, inaresto nang ipuslit ang pitong kababayan papasok ng Pangasinan
Sa bagong binabang memorandum ng lungsod ng Urdaneta ay isasara tuwing araw ng sabado at linggo ang mga commercial na establismento at pamilihang bayan o palengke. Sa mga nabanggit na araw ay magsasagawa ng disinfection para patayin ang mga mikrobyo o virus kontra COVID 19.
Samantala sa bagong binababa na executive order ng Munisipalidad ng Tayug simula ngayon Abril 16 ay
tuwing araw ng Huwebes lamang maaring makapag grocery sa mga supermarket.
Mahigpit na pinapaalala ang pagsusuot ng face mask, pagdadala ng IDs at pagsunod sa physical distancing sa mga mamimili.
Arestado ang dalawang barangay kagawad mula Urbiztondo sa checkpoint ng Villasis PNP matapos umanong lumabag sa enhanced community quarantine protocol ng lungsod sa pamamagitan ng pag puslit ng pito sa kanilang kababayan.
Pawang nakauniporme ang dalawang barangay kagawad ng sunduin ng mga ito ang mga kababayan na naglakad sa taniman ng palay.
Planong sampahan ng kasong serious disobedience, paglabag sa quarantine protocol at kasong administratibo ang dalawang kagawad, ayon kay Police Major Fernando L. Fernandez Jr., Hepe ng Pulis ng Villasis.
?? Akosi MarsRavelos
Amadito Inadoon