Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

DOST Region 1 namahagi ng teknolohiyang pang agrikultura

Mar
2,
2020
Comments Off on DOST Region 1 namahagi ng teknolohiyang pang agrikultura

Good News!
DOST Region 1 namahagi ng teknolohiyang pang agrikultura sa isang assosayon sa bayan ng Asingan; Makinang nagtatanim ng buto ng mais kaya hanggang dalawa’t kalahating hektarya ng lupa sa loob ng isang araw.
Tinanggap ng Department Agriculture Asingan kasama si Engineer Alfredo Layco presidente ng Rang Ay Asingan Farmers Association ang tatlong makinarya na nagkakahalaga ng P200k mula cash grant ng Department of Science and Technology Region 1 San Fernando.
Kasama sa hiniling na assistance machinery ay ang Corn Planter, Floating Tiller at Multi Functional Cultivator. Ang Corn Planter ay ang pinakauna dito sa bayan ng Asingan ang nasabing kagamitan ay kayang magtanim ng hanggang dalawa’t kalahating hektarya ng lupa sa loob ng isang araw de hamak na mas mabilis kesa sa pinagsama na sampung tao na kaya lang magtanim ng isang hektarya sa isang buong araw.
“Mas mabilis ngayon, dati kasi nating ginagawa yung unang-una nilalagyan natin ng gules tapos hinuhulog tapos naglevel up gumagamit na sila ng “farmalite” ayon kay Mahinahon Cruz Gabriel isa mga Agricultural Techonologies ng DA Asingan.
Pinaalala naman ni Municipal Agriculturist Ernesto Pascual na meron na lamang hanggang buwan ng Marso ang mga magsasaka upang magpalista sa RSBSA . Ang RSBSA o Registry System for Basic Sectors in Agriculture ang opisyal na listahan ng mga magsasaka sa bansa na kinikilala ng Department of Agriculture.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top