9,000 katao dadagsa ngayong panahon ng UNDAS; 4PM umpisa ng dami ng tao sa sementeryo.
Ayon sa Asingan PNP, aabot sa siyam na libong tao ang dadalaw sa pampublikong sementeryo upang magbigay respeto at pansamantalang makapiling ang mga yumaong mahal sa buhay.
Inaasahan naman ang pagdasa ng mga tao na bibisita ngayong alas kwatro ng hapon hanggang sa gabi.
Pinaalalahanan rin ang publiko na huwag mag-post ng kanilang kinaroroonan sa social media para makaiwas sa panganib.
Bilang bahagi ng suporta sa selebrasyon ng Undas ngayong taon, magkakaloob ng libreng tubig ilang piling mga exit at entry points sa sementeryo.
Sa kabuuan mayroong nasa lagpas isandaan personnel, kabilang ang mga kapulisan; mga BFP; POSG; RHU; mga kawani ng barangay ng Domanpot, Dupac, Poblacion East, Poblacion West; Bantog at Macalong at mga civil volunteer organization tulad ng Gloc, Guardians, Kabayan at Delta ang nakaantabay para sa undas.
Arya Asenso Asingan
UNDAS 2019: 4PM Rush Hour.
UNDAS 2019: 4PM Rush Hour.
Posted by Pio Asingan on Friday, November 1, 2019