TESDA STEP, ISANG HAKBANG TUNGO SA PAG UNLAD NG BUHAY NG MGA ALS PASSERS SA IKA-6 NA DISTRITO!
MGA TESDA TRAINING PROGRAM MARAMI PANG BUKAS
MGA BENIPISARYO NA TAGA SAN NICOLAS NAGLALAKAD NG ISA HANGGANG DALAWANG ORAS PARA LANG MATUTO!
Nasa 250 na mga benepisyaryo mula sa Asingan at iba’t- ibang bayan ng ika-anim na distrito ng Pangasinan ang lumahok sa sinasagawang Special Training for Employment Program o STEP ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
Mga first timer na mga Alternative Learning System (ALS) passers ang nabigyan ng pagkakataon upang matuto at magkaroon ng pangunahing pagkakakitaan para sa kanilang pamilya.
Isa na dito ang grupo na nagmula pa sa bayan ng San Nicolas na kailangan pag maglakad ng mula isa hanggang dalawang oras pababa ng bundok upang makarating lamang sa sentro.
Ang Special Training for Employment Program o STEP ay nagawa sa pakikipagtulungan sa mabuting layunin na rin ni Congressman Tyrone Agabas para sa kanyang nasasakupan.
Ayon naman kay Jess Salagubang ng TESDA Asingan ay marami pang available na slot para sa Automotive Servicing; Bread and Pastry Production; Electrical Installation and Maintenance; Food Processing; Shielded Metal Arc Welding at Trainers Methodology Level 1.
Para naman sa katanungan maaring komontak sa numerong 0933-8557533.
? JC Aying