Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Asingan Children Welfare Code of 2019 nirerepaso na sa SB

Sep
19,
2019
Comments Off on Asingan Children Welfare Code of 2019 nirerepaso na sa SB

Asingan Children Welfare Code of 2019 nirerepaso na sa SB; Pagbenta ng street food sa mga bata ipagbabawal na, sakaling maipasa. Vape isasama na rin sa ordinansa.

Kung sakaling maipapasa ang Asingan Children Welfare Code of 2019 bilang isang ordinansa sa Sangguniang Bayan, ay mag go-goodbye na ang bata sa pagkain ng street food gaya ng atay, isaw, betamax at iba pa.

Ayon sa dating bersyon ng Child Welfare Code ay ang mga “junk foods” sa mga pampubliko at pribadong paaraalan lamang ang ipinagbabawal. Tanging mga “snack food” na fortified with Vitamins A at may label na “sangkap pinoy” ang tanging pinapayagang i-tinda.

Habang balak naman na idagdag ang “vape” sa mga ipagbabawal sa kabataan bukod sa sigarilyo. Ang sunod na pagdinig ay mangyayari sa miyerkules sa susunod na linggo.

Si dating konse Jesus Cardinez ang may unang akda ng “Child Welfare Code of Asingan” taong 2009.
Habang sa kasalukuyan ay si konse Marivic Salagubang Robeniol ang SB Chairman for Health.

Miyembro din sa nasabing kumite sina konse AIra GChua, konse Mel Franada Lopez, SK Pres. Fiel Xymond Cardinez at Liga President Leticia Dollente.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top