Dalawampu’t Anim na mga NGO sa Asingan, Aprubado na.
Sa katatapos lamang na regular meeting ng Sangguniang Bayan lunes kahapon, dalawampu’t anim na mga nongovernmental organizations ang nabigyan ng accreditation tulad ng Asingan Federation of Person with Disability; Asingan Fire, Police, Jail Retirees Association, Inc; TOPACAS Asinga Farmers Irrigators Association; Nagkaisa Multi-Purpose Cooperative; Gloc 215; CIASI Asingan Chapter, Federation of Tricycle Operators and Drivers Association at marami pang iba.
Ilan sa mga benipisyo na pwedeng matanggap nila ay financial assistance at pagiging miyembro ng mga “special bodies” tulad ng Local Development Council, Local Health Board, Local Peace and Order Council at iba pa.