Good News! Libreng TESDA courses, “magbubukas” para sa mga taga Asingan!
Mga mahihirap natin na kababayan na umabot lamang ng Grade 10 pasok sa mga kurso.
Sa isang courtesy call nitong umaga ng mga taga Tesda Lmmsat kay Mayor Carlos Lopez Jr. kanilang ibinalita ang nasa dalawandaan dalawampu’t lima (225) na nagtapos ng mga kurso sa ilalim ng LIBRENG programa ng TVET o Technical Vocational Education and Training.
Sakaling “maaprubahan” na ang susunod na batch ng TVET ito ang mga maaring pagpilian: Welding, Bread & Pastry Production, Automotive Servicing, Food & Beverage Services at marami pang iba!