Pagkakaroon ng Material Recovery Facility (MRF) sa bawat barangay dapat ng malagyan; Inspection sa mga barangay ni Mayor Carlos Lopez Jr mas dadalasan.
Sa katatapos lamang na miting ng Liga ng mga Barangay kasama si Mayor Carlos Lopez Jr at Vice Mayor Heidee Chua ay muling pinag uusapan ng pagkakaroon ng Material Recovery Facility (MRF) bawat barangay. Sa pamamagitan nito mababawasan ang dami ng basurang hinahakot ng munisipyo.
Pinaalala din sa mga Punong Barangay na kung meron ng Barangay Materail Recovery Facility ang bawat barangay, tanging mga residual waste lamang ang makukolekta ng munisipyo . Ang residual wastes ay mga non-biodegradable na basura tulad ng plastic, gulong at baterya ng mga sasakyan at iba pa na hindi na kailanman mare-recycle at mako-compose.
Sinabi din ni Mayor Lopez na magpapatuloy ang kanyang mga inspection sa mga barangay hall lalo na sa dis oras gabi hanggang madaling araw.
Ang Liga ng Barangay President ai si PB Leticia Ramos Dollente.