“Asingan Hymn” patok sa Kapitolyo; Asingan Bayan Naming Mahal aprub sa Sangguniang Panlalawigan. Halos P14.5 Milyon na Supplemental Budget ng Asingan pasado na!
Sa huling pagdinig ay pormal ng inaprobahan ang “Asingan Bayan Naming Mahal” upang maging opisyal na imno ng munisipyo.
Sa isang mensahe ni Board Member Salvador Dong Perez Jr ay sinabi niyang kailangan muna itong kantahin upang lalo pa silang “ganahan” na ito ay maaprobahan.
Lubos naman ang kagalakan ni Vice Mayor Heidee Chua na siyang composer ng nasabing kanta dahil pagkalipas ng lagpas isang daang taon ay nagkaroon na ng opisyal na imno.
Asingan Hymn o Asingan Bayan Naming Mahal ay unang inawit noong December 8, 2011.
Arya Asenso Asingan!