Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Pap Smear huwag isa walang bahala ng mga kababaihan

Aug
28,
2019
Comments Off on Pap Smear huwag isa walang bahala ng mga kababaihan


Pap Smear huwag isa walang bahala ng mga kababaihan;
RHU Asingan at MYRNA’s CAFE nagsagawa ng HIV awareness at testing sa mga tinaguriang “Guest Attendant”.

Nasa halos tatlumpong “guest attendant” ang naserbisyohan ng Rural Health Unit ng Asingan at MYRNA’s CAFE (Model Youth Oriented Rendezvous of Network preventing AidS Center for Adolescent / Adult Fertility Education” sa unang phase na isinigawa noong nakaraang linggo.

Pangunahing layunin ng nasabing aktibidad na itaas ang kamalayan tungkol sa tamang impormasyon at kaalaman tungkol sa Human Immunodeficiency Virus o HIV at Acquired Immunodeficiency Syndrome o AIDS lalo na sa mga sexually active na individual.

Ang Pap Smear ay isang examination na ginagawa sa mga babae sa loob ng 3 taon ng unang pagtatalik mula edad 21. Ginagawa ito sa loob ng clinic ng mga espesyalista ng Ob-Gyn.

Kung negatibo ang resulta para sa tatlong taon, maaaring gawin ito kada dalawa o tatlong taon. Sa mga hindi nakapag-asawang babae na walang sekswal na aktibidad sa kanilang buhay, dapat gawin ang pap smear sa edad na 35.

Ito ay isang screening test para malaman ng maaga kung ang isang babae ay maaaring magkaroon ng cervical cancer. Dapat tandaan na ang mas madaling gamutin at maaagapan ang problema sa kuwelyo ng matris kung malalaman kaagad.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top