Communal Irrigation System, Pormal ng Nai-Turnover sa mga Magsasaka ng Asingan
Sa makabuluhang pagsisikap na mapabuti ang produktibidad ng agrikultura at matiyak ang kita ng mga magsasaka sa Asingan, matagumpay na naisagawa ng National Irrigation Administration Pangasinan Region I sa ilalim ng pamumuno ni Acting Regional Manager Engineer Geffrey Catulin at ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa pangunguna ni Secretary Condrado Estrella III ang turnover ceremony para sa Sinapog Communal
Irrigation System ngayong araw ng biyernes, March 14, 2025.
Pakikinabangan ang Communal Irrigation System o CIS na magpapatubig sa 450 ektaryang sakahan ng 429 magsasaka sa mga barangay.
Naglaan ang national government ng ₱20M para ayusin ang nasabing mga lining canals upang mas magiging matibay at maayos ang daluyan ng tubig sa mga sakahan.
Kabilang sa mga dumalo sa nasabing okasyon sina Asingan Mayor Carlos Lopez Jr. , Vice Mayor Heidee Chua; Regional Director, DAR Regional Office 1 Maria Ana Francisco; Pangasinan IMO Division Manager Engineer John Molano; Municipal Senior Administrative Assistant III Perry Tendero, PARPO II – DAR Pangasinan Charlotte Lasmarias; CARP-IC Acting Project Manager Engineer Wilhelm Tiangco; IDO PIMO Maria Paderes; NIA Staff; DAR Region; 1 staff; mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Asingan, mga Punong Barangay, Sangguniang Kabataan, Barangay Councils, Sangguniang Kabataan officials, mga Irrigators Associatons, NGO partners at marami pang iba.