Bakuna Eskwela, Muling Umarangkada VAccination Program Hindi Apektado sa Isyu ng Dengvaxia
Sunod sunod na binakunahan nito lamang nakaraan Miyerkules, October 9 ang isandaan at apatnaput limang (145) grade 7 student ng Luciano Millan National High School bilang bahagi ng “Bakuna Eskwela” na may layong protektahan ang mga batang mag-aaral laban sa tigdas, rubella, tetanus, diphtheria (MR, Td), at human papillomavirus (HPV).
Kabilang sa mga nabakunahan ay ang pangatlong anak na babae ni Lolie Ponsica na isang guro sa San Vicente West Integraded School.
“Pinapunta lang po ako ng anak ko dito para tignan daw siya baka nerbyusin, Kasi ok po itong tetanus-diphtheria para sa grade 7 po, kasi incase na masugat sila or maaksidente sa school protected sila.” saad ni Teacher Ponsica.
Nasa isanglibo’t animnaraan at dalawampu’t tatlo (1,623) na estudyante mula sa dalawampu’t pitong (27) pampublikong paaralan ang mababakunahan.
Iginiit ng Department of Health (DOH) at ng Municipal Health Unit ng Asingan na walang dapat ikatakot sa bakuna na ibinibigay sa mga estudyante.
Ayon sa DOH, hindi dapat ikumpara sa Dengvaxia at ang mga vaccine na nasa ilalim ng programang “Bakuna Eskwela” dahil matagal na itong subok at ginagamit na rin noon pa.
“For wide reading naman po kasi ah, nababasa ko din po na iba naman yung case yung dengvaxia sa ivinavaccine dito sa shool. Ang dengvaxia naman po kasi proteksyon para sa dengue, as far i know legit at ok naman po itong MR, Td. So para sa kapwa magulang para sa mas klarong pag iisip at pagtanggap pabakunan po natin ang ating mga anak para kanilang proteksyon.” dagdag ni Ponsica.
Target ng Bakuna Eskwela na mabakunahan ang hindi bababa sa 3.8 milyong mag-aaral sa pampublikong paaralan na naka-enroll sa Grade 1 at 7 gamit ang mga bakunang MR at Td, gayundin ang 973,930 babaeng mag-aaral sa Grade 4 sa mga piling pampublikong paaralan gamit ang bakuna laban sa HPV na nagpoprotekta laban sa cervical cancer.
(Mel Aguilar, JC Aying / Asingan PIO)